Idineklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Subalit, hindi ito agad isinapubliko hanggang Setyembre 23, 1972.

Narito ang sampung mahahalagang katotohanan tungkol sa deklarasyon ng Batas Militar:



[1. Proclamation No. 1081]
Ang Batas Militar ay ipinatupad sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21, 1972, ngunit ipinahayag lamang ito sa publiko dalawang araw ang makalipas.


[2. Stated Reasons]
Ginamit ni Marcos ang banta ng komunismo bilang dahilan upang ipatupad ang Batas Militar, kabilang na ang pambobomba sa Plaza Miranda at umano’y tangkang pagpatay kay Defense Minister Juan Ponce Enrile.


[3. Suppression of Civil Rights]
Dahil sa Batas Militar, sinuspinde ang mga karapatang sibil, kasama ang habeas corpus, na nagbigay daan sa mga awtoridad na arestuhin at ikulong ang sinuman nang walang pormal na kaso.


[4. Widespread Arrests]
Libu-libong tao, kabilang ang mga kalaban sa politika, aktibista, mamamahayag, at kritiko ng gobyerno, ang inaresto at ikinulong nang walang due process. Kabilang dito si Senador Benigno Aquino Jr.

[5. Martial Law Duration]
Bagaman opisyal na tinapos ang Batas Militar noong 1981, nagpatuloy ang mga epekto nito hanggang mapatalsik si Marcos noong 1986.

[6. Constitutional Changes]
Sa ilalim ng Batas Militar, ipinakilala ni Marcos ang bagong saligang batas noong 1973, na nagbigay sa kanya ng kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo, kaya’t namuno siya sa pamamagitan ng mga dekrito.


[7. Media Censorship]
Mahigpit na sinensor ang midya sa ilalim ng rehimeng Marcos, isinara ang mga hindi maka-Marcos na pahayagan, at kontrolado ang daloy ng impormasyon.


[8. Human Rights Violations]
Naging tampok sa Batas Militar ang malawakang paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang tortyur, sapilitang pagkawala, at extra-judicial killings. Libu-libong kaso ng paglabag ang naitala ng Amnesty International at iba pang organisasyon.

[9. Unprecedented Corruption]
Laganap ang korapsyon noong Batas Militar, kung saan si Marcos at ang kanyang mga crony ay nagkamal ng malaking yaman sa pamamagitan ng iligal na paraan. Naging sanhi ito ng paglobo ng utang ng bansa at ekonomikal na kahinaan.

[10. People Power Revolution]
Ang pang-aabuso at panunupil sa ilalim ng Batas Militar ay humantong sa matinding pag-aalsa ng bayan, na tinatawag na People Power Revolution noong Pebrero 1986. Sa mapayapang pag-aalsang ito, napilitang lumayas si Marcos at naibalik ang demokrasya sa Pilipinas.

#neverforget Sama-sama nating igiit ang katotohanang winawala sa kasaysayan!
#humanrights #TFDP50