Nagiging malabo na ba ang depinisyon ng karapatang pantao sa harap ng lantarang pagyurak nito?

Nalilito ka na ba kung ano ang tama o mali dahil sa muling pagbangon ng pinatalsik na diktadurya? O dahil tila normal na ang patayin na lamang ang inaakalang may sala. Baka kailangan mo nang balikan, muling pag-aralan at unawain ang mga batayang prinsipyo ng mga karapatang pantao. Dahil sa panahon ngayon, ang tanong ng marami: “Karapatang Pantao, Paano na?”

Kasama si Bb. Angel Aquino bilang tagapag-salaysay
Sa Direksiyon ni Bb. Malu Maniquis
Produksiyon ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)